Bus, hinoldap sa Susana Heights; 1 sa 2 suspek, arestado

From dzmm.com.ph:

 

Isang pampasaherong bus ang hinoldap ng dalawang armadong lalaki sa Susana Heights, Barangay Tunasan sa Muntinlupa City.

Ayon kay Muntinlupa Police Chief Roque Dela Vega, biglang sumakaya ang dalawang suspek at saka nagdeklara ng holdap.

Natangay sa mga pasahero ang pitong cellphone, mga alahas at perang aabot sa P8,000.

Naaresto naman ang isa sa dalawang suspek na si Michael Landicho, 36-anyos at residente ng Barangay Poblacion.

Batay sa mga ulat, papunta na sana sa police station ang bus para magsumbong sa nangyaring panghoholdap nang madaanan nila ang isa sa mga suspek na nasa tapat lang ng palengke.

Dito na sila humingi ng tulong sa mga bararangay tanod dahilan para agad maaresto ang suspek.

Bagama’t nahuli si Landicho, hindi na nabawi pa ng mga biktima ang kani-kanilang mga gamit. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42

You may also like...