Babae ‘ginahasa’ ng 9 kapwa Chinese sa hotel sa Muntinlupa

From abs-cbn.com:

Arestado ang limang Chinese national habang pinaghahanap ang apat na iba pa matapos umano nilang halinhinang gahasain ang isang kapuwa Chinese sa isang hotel sa Muntinlupa City noong Martes.

Sa tulong ng interpreter, ikinuwento ng biktimang babae, 26, ang umano ay panghahalay sa kaniya ng walong lalaki at isang babae.

Katrabaho umano ng biktima ang mga suspek sa isang call center at magkakatabi lang ang kanilang mga kuwarto sa hotel na kanilang tinutuluyan.

Kuwento ng biktima, hapon ng Martes nang bigla siyang hinatak ng siyam na suspek sa isang kuwarto kung saan nangyari ang panggagahasa.

“Tinakpan ng scotch tape ‘yong bunganga niya tapos itinali ‘yong kamay sa likod.

Halinhinan na sila, papalit-palit na silang ginalaw siya,” sabi ni Superintendent Marites Salvadora ng Muntinlupa police.

Matapos ang panggagahasa, binantaan ng mga suspek ang babae na huwag magsumbong bago nila ito iniwan sa kuwarto.

Nang iwanan ang biktima ay humingi na ito ng saklolo.

Ayon kay Southern Police District director Senior Superintendent Eliseo Cruz, makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration at embahada ng China para kaso.

“That is our basic process, to check the legality of their (suspects) stay here in the Philippines, particularly their working visa,” ani Cruz.

Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang biktima para sa debriefing.

Sumalang naman ngayong Miyerkoles sa inquest proceedings ang limang nahuli. –Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.