BFRV resident complains about lack of humps in some areas inside their village
A reader is asking for our help to bring to light a situation inside their village with regard to humps.
Please see the letter below:
Gusto ko lang po i-complain yung pagtanggal ng speed humps sa’amin dito sa BF Resort Village Las Piñas City, particularly sa Gloria Diaz St(from cor. Lalaine Bennet st. to China Bank going to Casimiro). Simula po kasi na asphaltuhan yung kalsada samin ay di na nila binalik yung nakalagay na mga speed humps. So ang nangyari po ngayon ay napakabilis po ng mga sasakyan na dumadaan kasama na po dito ang mga truck.
Pumunta po ako sa Admin Office namin at sinabi po nila na pinatupad po ito ng City Engineer(c/o Engr. Rosabelle Bagnot) at aprubado po daw ito ng City Mayor namin.Lahat po daw ng Friendship route ay tinanggalan na ng speed humps.
Dapat po sana since Private Subdivision po ito, nakipag ugnayan muna ang officers sa mga homeowners kung papayag sila na tanggalin ang speed humps. Sa pagkakaalam ko po, ang speed humps ay nilalagay sa residential area lalo na kapag may eskwelahan(may mga eskwelahan din po samin) at intersection. Yung ibang Subdvision po katulad ng Philam Village at Sta. Cecilia village ay may speed humps pa din kahit ito po ay friendship route, napansin ko din po ang ibang street dito sa’min ay may mga speed humps din. Pero ang street lang po namin ang wala.
Sinabi po nila na papalitan daw po ito ng “Rumble Strip”, ang Rumble Strip po ay nilalagay para sa mga driver na inaantok at kadalasan po itong nilalagay sa expressway at di po sa residential area.
Napakadelikado po ang ginawa nilang pagtanggal ng speed humps sa lugar namin at napapabalitang madami na pong aksidente at minsan po ay may nagkakarerahan pag hatinggabi.
Wala naman pong aksyon ginagawa ang mga officer namin kahit ito po ay dinulog na namin sa kanila at madami na din pong residente ang nagrereklamo.
Imbes po ata sa pagpapaganda at kaligtasan ang gawin nila saming lugar mula sa binabayad naming monthly dues, ay very busy po sila sa pagpapa bowling tournament at golf tournament.
Sana po ay makarating po ito sa kinauukulan lalo na sa Local Government ng Las Piñas at Board of Directors ng BF Resort Village.
We hope the BFRV homeowners association can address this issue.
Recent Comments