Muntinlupa Rep. Biazon, umalma sa pagpapababa sa kanya sa pwesto ng Comelec

From dwiz882.net:

By: R. Obina | 2013-Dec-13 – Friday | 10:24:00 AM

 

Inalmahan ni Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon ang pagkakabilang niya sa mga nanalong kandidato na pinabababa sa pwesto dahil sa kabiguang magsumite ng statement of contribution and expenditures (SOCE).

Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Biazon na nakapaghain na siya ng SOCE Commission on Elections (Comelec) office ng Muntinlupa at patunay nito ang tinanggap niyang certificate of compliance.

 

Binigyang diin ni Biazon na kung may problema ang Comelec ay maaari naman aniya silang kausapin sa halip na idaan sa media.

 

You may also like...