Pulis itinumba ng riding in Tandem sa Las Pinas

From bomboradyo.com:

By   Posted in Latest News

June 7, 2014

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa tapat ng Global Academy Culinary and Hospitality, Zapote road, Las Pinas.

Nakilala ang biktima na si SP01 Lui Soledad kontra sa mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa mga nakakita sa nasabing krimen, bigla na lamang umanong nilapitan ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo ang biktima at dito na siya pinagbabaril.

Nakakuha ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng siyam na basyo ng caliber 45 na baril sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

 

You may also like...