‘Galugad’ sa Muntinlupa, 10 arestado

from abante.com.ph:

By Armida Rico

Sampung katao ang naaresto sa isinagawan­g “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police dakong alas-10:00 ng gabi nang kanilang ilatag ang Oplan Galugad sa Barangay Alabang nang nasabing lungsod.

Agad naman na dinala sa headquarters ng Muntinlupa City Polic­e ang 10 naaresto na luma­bag sa ordinansa ng lungsod tulad ng pag-inom sa kalye, pagsusugal at ilan dito ay nakahubad o walang damit na pang itaas.

Tatlo dito ay pawang mga menor-de-edad at agad din itong pinakawalan makaraang sunduin ng kanilang mga magulang.

 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *