Chinese national patay sa pamamaril sa Las Piñas

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2017 05:14 AM

 

Patay ang isang Chinese national matapos pagbabarilin malapit sa Las Piñas City Hall sa Alabang-Zapote Road Martes.

Kalalabas lang ni Lee Yu Xin, alyas Alex o Francis Kee, sa korte dahil dumalo siya sa hearing kung saan siya inakusahan ng pagbebenta ng droga.

Non-bailable ang kaso, pero napagbigyan siya ng korte na magbayad ng piyansa at pansamantalang makalaya.

 

Paglabas ng korte, doon na siya binaril ng riding in tandem.

Inaalam pa kung may koneksiyon ang pagpatay sa kasong kinahaharap ng biktima.

 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *