20 bahay naabo sa Parañaque

From abante.com.ph:
July 9, 2016
By Armida D. Rico, Gene­vieve Javier

Tinupok ng apoy ang 20 bahay at nasa 80 pamil­ya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Barangay Sto Niño, Parañaque City.

Ayon kay Parañaque City Fire Marshall Chief Inspector Renato Capuz, dakong alas-6:43 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa No. 8410 Gomburza Extension na pag-aari ng isang Toto Gaston, nasa hustong gulang.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ibaba ng bahay na nagsimula ang sunog na kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit bahay na pawang gawa lamang sa light materials.

Mabilis naman nakapag responde ang mga kagawad ng pamatay sunog na kung saan agad naman naapula ang apoy na umabot lamang ng ikalawang alarma at bandang alas-8:18 ng umaga nang ideklarang fire out ang nasabing sunog.

Bukod pa dito mala­king tulong din ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya’t mabilis itong naa­pula ang naglalagablab na apoy.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.